見出し画像

I. Ang mga Katotohanan Tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos

2. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang diwa ng pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9–11).

Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang katawang-tao, iyon ay, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa katawang-tao, ipinahayag sa pamamagitan ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa katawang-tao ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, ang nagkatawang-taong Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng maka-Diyos na gawain.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Cristo na may normal na katauhan ay isang katawan kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng normal na katauhan, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “maging totoo” ay nagiging tao ang Diyos, ang Espiritu ay nagiging katawang-tao; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa isang katawang may normal na katauhan, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay nang walang pagka-Diyos, nang may ganap na karaniwang katauhan, gumagawa ng lahat ng karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit sa karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang na hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Sa kadahilanang, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao at ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng maka-Diyos na gawain, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumugulang, nagkakaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang pagsilang ay masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng kahima-himalang mga tanda at kababalaghan, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang katauhan para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na kakanyahan; hindi maaaring magkaroon ng katawan kung walang katauhan, at ang isang taong walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng katawan ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos Siya ay ganap na banal, hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil imposible itong panindigan, na lumalabag sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang pahintulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nakakataas Siya sa sinuman sa mga taong nilikha, nakakataas sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Kahit lahat sila ay may katauhan, katauhan lamang ang mayroon ang mga taong nilikha, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may katauhan kundi ang mas mahalaga ay mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang katauhan ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi kahima-himalang tulad ng palagay ng mga tao, lubhang mahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong diwa ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoon kahaba, inaasahan Ko na ito ay isa pa ring misteryo sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napakasimple: Yamang ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang diwa ay kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang buhay na isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng katawang-tao. Siya ay namuhay sa karaniwang pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang gawain Niya at sambitin ang salita Niya, o pagalingin ang maysakit at magpalayas ng mga demonyo, para gawin ang ganoong di-pangkaraniwang mga bagay—ay hindi nakita, sa pinakamalaking bahagi, hanggang sa Siya ay nagsimula ng Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu’t siyam, bago Niya ginampanan ang Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay na Siya ay isa lamang karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya nakapagsimula ng Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang pagka-Diyos sa Kanya, walang nakitang higit sa isang normal na tao, isang karaniwang tao—tulad lang noong panahong pinaniwalaan Siya ng ilang tao bilang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng ordinaryong tao, walang ibang paraan para maihayag na Siya ang nagkatawang-taong Diyos; kahit na noong, sa pagdaan ng pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga tao ay nagsabi pa rin na anak Siya ni Jose, sapagka’t Siya ay ang Cristo na may panlabas na anyo ng normal na pagkatao. Ang Kanyang karaniwang pagkatao at Kanyang gawain ay parehong umiral upang tuparin ang kahalagahan ng unang pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos ay ganap na naging tao, naging isang lubos na ordinaryong tao. Na Siya ay nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao; at ang Kanyang paggawa pagkatapos nito ay pagpapatunay na Siya ay isang payak na katawang-tao, sapagka’t Siya ay gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawang-tao ng karaniwang tao. Ang dahilan na kaya Niyang gumawa ng mga milagro ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay mayroong awtoridad ng Diyos, na ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ng Diyos ay binihisan. Siya ay nagtaglay nitong awtoridad dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya ay hindi isang katawang-tao. Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain na kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at kahit anong mga palatandaan ang Kanyang ipinakita o paano Niya pinatunayan ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa karaniwang pagkatao at isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang dumating sa puntong Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay nanahan sa isang normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing ginampanan Niya sa Kanyang karaniwang katawang-tao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang karaniwang katawang-tao, anuman ang Kanyang ginawa. Siya ay ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, datapwa’t dahil Siya ay nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng karaniwang katwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na ang nagkatawang-taong Diyos ay isang katawang-tao na may karaniwang pagkatao, hindi isang higit sa karaniwan.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawan; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na katauhan at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isang tao na umiiral ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawan. Kung ang katawang ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawan, at hindi maisasakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawan. Kahit ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iisip ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng maka-Diyos na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala rito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawain ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng isang normal na isipan ng tao, dapat magtaglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ng mga salita, at ng gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, katayuan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos. Bagama’t ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bagama’t ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya ng sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan at pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay-bagay, at kung paano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. Para sa sinumang tiwaling tao, sa kanyang puso ay mayroon lamang mangilan-ngilang mga tao na nakakasama niya. Mayroon lamang iilang mga tao ang pinahahalagahan niya, na pinagmamalasakitan niya. Kapag ang sakuna ay tanaw na una niyang iniisip ang sarili niyang mga anak, asawa, o mga magulang, at ang isang higit na mapagkawang-gawang tao ay mag-iisip lamang ng ilan sa mga kamag-anak o isang mabuting kaibigan; nag-iisip pa ba siya ng iba? Hindi kailanman! Sapagka’t ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa kinatatayuan ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man kaordinaryo, gaano kanormal, gaano man kababa ang uri ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang saloobin patungkol sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya nakikita ang sangkatauhan mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay-bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran at mga teorya ng tao bilang panukat. Ito ay nasa loob ng saklaw ng kung ano ang nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay nasa loob ng saklaw ng nakakamit ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang maka-Diyos na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaibang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong magkaibang mga diwang ito ang nagpapaalam ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kinatatayuan gayundin ang pananaw at taas mula kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Ang diwa ng Diyos mismo ay humahawak ng awtoridad, subali’t Siya ay may kakayahang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Maging ito man ay gawain ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Ang katawang-taong may diwa ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad, subali’t ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng gawain na sumusunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, subali’t ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop sa Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si Cristo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng Kanyang sariling gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalong hindi nagsasakatuparan ng gawaing magkasalungat, sa kadahilanang ang diwa ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Maging ito man ay ang Espiritu o ang katawang-tao, magkatulad Silang gumagawa upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang magkaibang katangian, ang Kanilang mga diwa ay magkatulad; kapwa Silang may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng pagsuway; ang Kanyang diwa ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng anuman na sumusuway sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong papayag at walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili, o kahit na kapalaluan at pagmamataas; Siya ay walang elemento ng kabuktutan. Lahat ng sumusuway sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay nagawa nang tiwali at kinilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil sa pagsuway. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng katawang-tao kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Ang tao ay pipili, subali’t si Cristo ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng diwa mula sa Diyos, kundi tanging yaong sumusuway at lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na sumunod sa Diyos, lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ay ang diwa ni Cristo; ang pagsuway laban sa Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkaayon, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos kahalili Niya ay dahil sa ang tao ay wala kahit isang diwa ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa pansariling kapakanan ng tao at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subali’t si Cristo ay gumagawa upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng tao sa laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang tiyak na antas, ang kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subali’t ang gayong mga hangganan ay nakapaloob sa isang tiyak na sakop at panahon, at hindi walang-hangganan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang pagkatao. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi Ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig Kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinakanababagay sa pagiging pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain. At dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay hindi kailanman nawawalan ng pagtanaw sa tungkulin na dapat ginagampanan ng tao sa laman; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may diwa ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang nilikhang may buhay, na may panlabas na balat ng isang nilikhang may buhay, at ngayon ay nagtaglay ng pagkatao na wala sa Kanya noong una; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang kung ano ang Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao. Ang Kanyang pagkakakilanlan ay Diyos Mismo. Ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na sumasamba Siya sa Diyos; samakatuwid, ang mga salitang “Si Cristo ay sumasamba sa Diyos sa langit” ay hindi isang kamalian. Ang Kanyang hinihingi sa tao ay ang kung ano Siya; Kanya nang naabot ang lahat Niyang hinihingi sa tao bago pa man ang paghingi Niya nang ganoon sa kanila. Kailanman ay hindi Siya gagawa ng mga paghingi mula sa iba samantalang Siya Mismo ay hindi ito kayang ibigay, dahil ito ang nakapaloob sa kung ano Siya. Kahit na paano Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraan na sumusuway sa Diyos. Kahit ano pa man ang Kanyang hinihingi sa tao, walang hinihingi na sosobra doon sa kayang abutin ng tao. Ang tanging ginagawa Niya ay ang paggawa ng kalooban ng Diyos at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala. Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang disposisyon at kung ano ang Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan ang Kanyang pagkatao, hindi maitatanggi na mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; kahit mula sa anumang pananaw Siya nagsasalita at sa kahit anumang paraan Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihing Siya ay hindi ang Diyos Mismo.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ipinagpapatuloy ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas, gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin habang kasabay na binibigyang-tinig ang Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, ipinakikita sa atin ang paraan kung paano tayo dapat lumakad, at binibigyang-kakayahan tayo na maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating pansin sa himig at paraan ng Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng pangkaraniwang taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nagtitiis ng puyat at gutom para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakakaranas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkamapanghimagsik. Ang may ganitong pagkatao at pag-uugali ay hindi karaniwang tao, ni hindi ito maaaring taglayin o makamit ng sinumang nilalang na ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi angkin ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng sinumang nilikha. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may gayong kalinaw at ganap na pagtarok sa ating kalikasan at diwa, o nakakahatol sa pagkamapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o nakakapagsalita sa atin at gumagawa sa ating kalagitnaan nang ganito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan ng mga ito, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagpakita sa atin ng daan at makakapagdala sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagbunyag ng mga hiwaga na hindi pa naipaalam ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagligtas sa atin mula sa gapos ni Satanas at ng ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Inihahayag Niya ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula na ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at naghatid ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at Siya ay nagdala na sa atin ng pag-asa, tinatapos ang ating pamumuhay sa kalabuan at hinahayaan ang ating buong pagkatao na lubos na mamasdan, nang buong kalinawan, ang daan ng kaligtasan. Kanyang nalupig na ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay na, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, gising man o nananaginip, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!

—mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang katawang-tao ay kataas-taasan, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang katawang-tao na tulad nito ay may kakayahan lamang na gawin yaong matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayahang gumawa ng anumang lumalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, maging ng anumang bagay na nagkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay hindi nagagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang katawang-tao ay may naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagka’t ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginagawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katunayang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tao lamang ang sinasakop, ginagamit, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagka’t kailanman ay hindi makakayanan ni Satanas na umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman makakalapit sa Diyos.

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, nguni’t ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; lamang, ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, nguni’t ito ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang praktikal na Diyos Mismo na binabanggit ngayon ay gumagawa sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang ganap na maka-Diyos na gawain ay nakakamit. Ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay pinag-isa, at ang parehong gawain ay[a] tinutupad gamit ang mga salita; maging ito man ay sa pagkatao o pagka-Diyos, bumibigkas Siya ng mga salita. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa pagkatao, Siya ay nagsasalita sa wika ng sangkatauhan, upang magawang makibahagi at maunawaan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sinasabi nang malinaw, at madaling maunawaan, upang ang mga iyon ay maibabahagi sa lahat ng tao; hindi alintana kung ang mga taong ito ay may angking kaalaman, o mababa ang pinag-aralan, silang lahat ay makakatanggap ng mga salita ng Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos ay isinasakatuparan din gamit ang mga salita, nguni’t ito ay puno ng tustos, puno ito ng buhay, walang-bahid ng mga ideya ng tao, hindi ito kinapapalooban ng mga kagustuhan ng tao, at ito ay walang limitasyong pantao, ito ay nasa labas ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; ito, rin, ay isinasakatuparan sa katawang-tao, nguni’t ito ang direktang pagpapahayag ng Espiritu. Kung tinatanggap lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, kung gayon ay pananatilihin nila ang kanilang sarili sa isang tiyak na nasasakupan, at sa gayon mangangailangan ng pampalagiang pakikitungo, pagtatabas, at disiplina upang magkaroon ng bahagyang pagbabago sa kanila. Kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, gayunman, sila ay laging babalik sa kanilang lumang mga gawi; ito ay sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos na ang mga karamdaman at mga kakulangang ito ay maitatama, saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagtatabas, ang kinakailangan ay positibong pagtustos, paggamit ng mga salita upang mapunan ang lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pamahalaan ang kanilang mga buhay, ang kanilang bawat pagbigkas, ang kanilang bawat pagkilos, upang ilantad ang kanilang mga hangarin at adhikain; ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. At sa gayon, sa iyong saloobin sa praktikal na Diyos dapat kang parehong magpasakop sa harap ng Kanyang pagkatao, kinikilala at tinatanggap Siya, at, saka, dapat mo ring tanggapin at sundin ang gawain at mga salita ng pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong namamahala sa Kanyang gawaing pantao at nagsasakatuparan ng gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ang mas praktikal na kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Kung makikita mo ito nang malinaw, makakaya mong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos, at titigilan na ang labis na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at sobrang pagmamaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka na tutungo sa mga sukdulan, o liliko kung saan-saan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay yaong ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t makikita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.

—mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “at ang dalawa ay.”

————————————

Ang totoong kahulugan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!

この記事が気に入ったらサポートをしてみませんか?