見出し画像

Narinig Mo na Ba ang mga Pagbigkas ng Banal na Espiritu?

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). At iprinopesiya din ng Aklat ng Pahayag, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Mula sa mga banal na kasulatang ito, makikita natin na ang Panginoon ay isasalita at ibibigkas ang Kanyang tinig kapag Siya ay pumaritong muli at tanging ang mga yaong nagbibigay-pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos ang maaaring sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon at magpista kasama Siya. Ngayon ang Panginoon ay bumalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Siya ay nagpapahayag ng Kanyang mga salita at gumagawa sa gitna natin. Nais mo bang malaman ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Nais mo bang malaman ang landas upang maligtas at makapasok sa kaharian ng langit? Ang pahina ng ebanghelyo na "Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki" ay tutulong sa inyo na mahanap ang landas upang maging isang matalinong dalaga at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

————————————

Manood ng higit pa:Palatandaan ng pagbabalik ni Cristo

この記事が気に入ったらサポートをしてみませんか?