見出し画像

Babalang Dala ng mga Sakuna

Nasisindak tayo kapag may nagaganap na sakuna. Ngunit may dahilan ang Diyos sa likod ng lahat ng bagay. Kaya, ano ang mensaheng ipinararating sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng madalas na sakunang nangyayari? Paano natin maiiwasang tamaan ng mga ito?

Sinabi ni Jesus, “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”(Mateo 24:37).

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna.”
mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan”

“Lahat ng mga sakúnâ ay isa-isang babagsak; lahat ng mga bansa at lahat ng mga lugar ay makakaranas ng mga sakúnâ—ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakúnáng ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga kalaparan, at ang mga sakúnâ ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng mga anyo ng mga salot ng insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomena ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng mga dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng mga bansa at mga bayan.”
mula sa “Ang Ika-animnapu’t-limang Pagbigkas”

“Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.”
mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan”

————————————

Kasalukuyan ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Alam mo ba kung ano ang tunay na Iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Paano natin ito mahahanap? Basahin ang artikulong ito upang makuha ang mga kasagutan.

この記事が気に入ったらサポートをしてみませんか?